Bago Matulog
Diyos, ako'y matutulog
Bindisyunan yaring kumot,
Nang huwag akong matakot
Sa demonyong nanunubok.
Diyos, ako'y matutulog
Bindisyunan yaring banig
Nang huwag akong maligalig
Ng masamang panainip.
Diyos, ako'y matutulog
Bindisyunan yaring unan
Nang huwag akong pasukan
Ng masamang isipan.
|