E  D  S  A      2  0  0  8



22 TAON NA
SINCE EDSA 1986. . .

NA TINAWAG NATING
"PEOPLE POWER" REVOLUTION.


NANG PANSAMANTALANG NAGPAKITA
NG PAGKAKAISA, TAPANG AT DIWA
ANG SAMBAYANANG PILIPINO.


AT NAGTALO ANG MARAMI.
PEOPLE POWER NGA BA O VIRGIN POWER?
PERO MASA MAN O MIRAKULO
WALA RIN NAMANG NANGYARI.


AKALA NATIN SI MARCOS ANG PROBLEMA.
ANO? SINO ANG PUMALIT?
KICKBACK, KURAKOT AT KOTONG PA RIN.
PATULOY ANG PAGKALKAL SA KABAN NG BAYAN.
22 TAON NA. . .
SINCE EDSA 1986.

ANO ANG NANGYARI?
ANG CORRUPTION LALONG LUMALA.
ANG MGA BAGONG COLONIZERS,
SINGKIT AT MAS MATINDI.
NAGALISAN ANG KARAMIHAN,
MGA MATINIK AT MATALINO NATING KABABAYAN.
NA INAKALA NATING
PAGASA AT KINABUKASAN NG BAYAN.
NAGALISAN, NAGHAHANAP NG IBANG KINABUKASAN.
AT MULA SA YAMAN AT SANCTUARIO NG KANILANG DIASPORA,
AYAW NANG BUMALIK.
PERO TANONG NG TANONG. . .
NASAAN NA TAYO NGAYON?
SAAN TAYO PAPUNTA?
WHAT CAN BE DONE ABOUT THE CORRUPTION?
WHEN THE CHANGE? WHERE THE HEROES?
KAILANGAN TAYO MAGBABAGO?
NASAAN ANG MGA BAYANI?

 

FEBRUARY 2008
Godofredo Umali Stuart Jr.


Related StuartXchange Publications

Edsa Shrine
Edsa: The People Power RevolutioN
Walang himala! Himagsikan sa Edsa